![]() |
Laiya, San Juan, Batangas |
Ang Batangas ang isa sa pinakamagandang lalawigan dito sa Luzon.
At siyempre kung ito ay isang magandang lalawigan, ang mga nakatira
dito ay magaganda rin... Ang Batangas ay binubuo ng 3 lungsod at 31 munisipalidad.
Dito rin matatagpuan ang Taal Volcano, Batangas Racing Circuit, Mt. Carmel Church, at mga magagandang beaches.
![]() |
Batangas Racing Circuit, Rosario, Batangas |
![]() |
Mt. Carmel Church, Lipa City, Batangas |
Masarap ang mga pagkain dito sa amin sa Batangas...Andyan ang lagi ng ipinapakita sa mga travel show at food trips na Lomi, gotong batangas, famous kapeng barako, bulalo, sinaing na tulingan sa palayok, panutsa at suman... nakakagutom...
![]() |
Barong Tagalog |
Likas na matatapang ang Batangueño...
Dito lang naman ginagawa ang Balisong ( O gusto mo bang magkaroon ng gripo sa tagiliran! Joke lang! ), dito rin hinahabi ang magagarang Barong at damit pangkasal, at higit sa lahat maraming Bayani at magagaling na pulitiko ang ipinanganak sa Batangas... Andyan si Apolinario Mabini, Claro M. Recto, Marcela Agoncillo atbp...
Aha! Ang Batangueño a tapang a tao!
![]() |
Apolinario Mabini |
![]() |
Balisong |
Para makarating sa Batangas kailangan mo sumakay ng sasakyang panglupa at pangdagat... walang panghimpapawid dito dahil walang airport dito sa Batangas...
Eto lang ang dapat tahakin kung ikaw ay galing Maynila o galing Norte...
![]() |
STAR Tollway |
2. Kung ang punta nyo naman ay Lipa City, San Juan, Rosario, Taysan, Padre Garcia at Lobo eh via Canlubang exit kayo diretso lang tapos Star Tollway... Exit Kayo ng Lipa City...
3. Kung gusto nyo namang makarating ng Batangas City, Batangas Port, Bauan, Sta. Teresita, San Pascual, Mabini, Taal atbp... via Canlubang exit pa rin tapos diretso lang star tollway at via pinakahuling exit ang labas nyo.
Eto naman kung mangagaling o papunta naman kayo ng Visayas:


2. Dito rin sa Batangas Port ang daungan ng mga barko o pump boat na papunta ng Puerto Galera, Romblon, Marinduque, Roxas City... Bili lang kayo ng ticket sa loob ng port at magbayad ng terminal fee at swak na beach beach na sa Galera...
Sa Batangas madaling magpunta, magaganda ang tanawin at karagatan, masasarap ang pagkain, mababait ang mga tao...
Ala Eh! San ka pa ga? Sa Batangas na!
No comments:
Post a Comment